Mayroong tugtugan ng tatlong banda sa kampo namin at gaganapin ito sa Bar. Naghanda talaga ng sound system para mas maging maganda ang kalalabasan ng tugtugan. Ito lang bale halos ang libanagan ng mga nagtatrabaho dito, kaya parang treat na rin sa mga tao ang ganitong okasyon, pati ang mga naka-assign sa Doha office ng project ay sinadya ang rakrakan.
Madilim sa loob ng bar para mas mabigyan ng importansya ang hinandang lighting effects at mas makuha ang ambiance ng tunay na bar. Isa sa pinakamahirap na kuhanan ng litrato ay ang ganitong klaseng eksena, maraming tao, madilim at maingay, sana malibang kayo sa mga larawan na ibabahagi ko.
Ang larawan sa ibaba ay eksena sa labas ng bar.
Kahit na maingay at masaya ang tugtugan sa loob ay mayroon pa rin hindi maka-iwas na matulala at lumipad ang isipan sa kawalan.
Hindi lahat ay mayroong kasamang makakainuman.
Magkaiba ang temperatura ng loob at labas ng bar, pero mas maganda na ang panahon at mapagtitiisan na hindi tulad noong tag-init na sobrang alinsangan.
Fractals gawa ng ilaw na tumagos sa namamawis na salaming bintana, iba ang epektong nagawa ng sabog-sabog na direksyon ng ilaw.
Kakaunti ang upuan na hinanda, halos karamihan ay nakuntento na lang sa pagtayo habang pinapanood ang bandang tumutugtog ng kanilang piyesang hinanda para makapagbigay man lang ng aliw kahit paano.
Itutuloy ang part two.



[...] sa kampo (part 2) Ikalawang bahagi ng coverage ng event na ito sa kampo [...]