Hindi ako marunong mag-ice skate. Noon ko pa pangarap ito mula nang malaman ko na meron palang ice rink sa megamall noong college pa ako, pero ‘di ko na naituloy ang pagnanais ko nito dahil may kamahalan pala. Lumipas ang mahigit sa sampung taon at hindi pa rin ako marunong, naiinggit talaga ako sa mga nakakagawa nito. Parang gusto ko ring malunod sa pagpapadulas sa yelo, parang isang tela na hinihipan ng hangin ang mga bawat galaw na aking gagawin.
Mukhang ikukuntento ko nalang ang sarili ko sa pagkuha ng litrato, pero isa rin ito sa balak kong gawin sa buhay ko sana matupad din.
Isa sa pinakamagandang pagpraktisan sa pako-compose ng litrato ang ice skating rink, malaking talagang hamon ang patuloy na pag-galaw ng mga tao. Mahalaga ang makuha ang tamang timing, tamaong posisyon ng mgatao para sa ikaka-husay ng makukuhang larawan. Mahalaga rin na alamin ang tamang setting ng kamera, tulad ng paga-adjust ng tamang bilis ng shutter para mahuli ng akto ang bawat galaw. Dapat din i-konsidera ang paga-adjust ng ISO ng kamera, lalo na kung sa loob ng gusali at hindi ganoon kasapat ang liwanag.



Okay ang tips mo sa pagkuha ng mga ito. Tamang -tama parang habang kumukuha ay sinabi mo sa kanilang ‘freeze’.
Malaki rin ang paghanga ko sa mga marunong mag ice skates. Isa na rin yatang habang -buhay na pangarap ito sa akin.
Importante talaga na mapatigil mo ang mga galaw nila at maisakto ang pagkakaposisyon ng mga skater para mas maging kaaya-aya ang iyong komposisyon pwera na lang kung ang nais mong maging epekto ay magkaroon ng pagkalabo o may bakas ng paggalaw ng iyong subject ay kailangan mong bagalang ang pagsara ng shutter o bintana ng kamera.