Tinaon ko ang bakasyon ko sa aking trabaho ng Fiesta sa aming lugar, medyo may katagalan na rin kasi akong hindi nakaranas magdiwang ng pista ni San Isidro Labrador. napapligiran kasi ang baryo namin ng bukid kaya naman siya ang naging patron. Kokonti lang ang dumating na bisita namin, nagback-out kasi ang mga Tiyahin ko at Pinsan ko na taga-Maynila papunta sa amin, kaya iyon marami pang natirang handa. At dahil nga dito, naisipan kong gawin na lang ang Family Swimming namin kinabukasan pagtapos ng Pista para na rin walang gaanong asikasuhin sa pagkain.
Ang unang plano na pupuntahang Beach Resort ay ang Dungaree Beach na kung saan kokonti ang tao at mura pa ang entrance baseĀ noong huling pagbisita namin. Pero pagdating nga namin doon ay napakaraming tao na at nagmahal pa ang entrance nila, mula sa P80 bawat tao naging P150.00 na halos dumoble. Kasabay pa rin nito mayroong ginawa rin siya na venue ng taunang Triathlon Competition sa Subic (na insecure tuloy ako sa mga katawan ng mga kasali doon, at tuluyan nang nahiya yung bilbil ko hehe), kaya puno rin ang mga cottages (na mahal din P1500.00). Nagdesisyon na lang tuloy ako na lumipa tng iba doon sa hindi pa namin napupuntahang beach (actually napuntahan ko na), kaya dumeretso kami sa Camayan Beach Resort (tabi lang siya ng Ocean Adventure na pag-aari din yata nila). Pero pagdating doon puno rin, natanong ko tuloy sa sarili ko, ano ba meron ngayon bakit punuan ang mga beach??? (Ayun naman pala, Sabado kaya pala sandamakmak at siksikan ang tao). Pero bago makarating ng Camayan Beach resort meron kaming nadaanan na bago sa paningin ko sa tinagal kong nagtrabaho sa Subic ay ngayon ko lang napansin yung karatula ng Beach na iyon na “ADVENTURE BEACH THIS WAY” (sa tabi may arrow). Kaya yun ang unang pumasok sa isip ko na subukan namin yung bagong beach nga, lingid naman sa kaalaman ko na pag-aari din pala ito ng Ocean Adventure (Kaya pala Adventure Beach hehe).
May kamahaln din ang Entrance P250.00 para sa matanda at P200.00 naman sa bata na hindi lalagpas ng 30 inches (hindi pa nila pinalgpas yung baby ko na 32 inches), pagkatapos yung cottages nila na tawag ay Cabana ay P1,500 kung sosolohin ninyo kapag may kasama kayo ay P750.00 na lang. Wala naman corkage yung pagkain kasi hindi kami siningil, hindi ko alam kung meron sa alk dahil 2 bote lang ang dala ko na beer na ininom ko agad pagdating namin (nauhaw kasi ako sa biyahe). Pagpasok mo sa gawa-gawa nilang gate (hindi pa kasi gaanong gawa) ay sasalubungin ka ng mga nakaunipormeng staff na may pang-cowboy na sumbrero at tatanungin kung ilan kayo sabay pindot sa calculator, pagbayad nyo sa gate ay aalayan naman nila kayo kung saan ang Cabana na napili ninyo.

Pagpasok sa resort ay bubungad sa iyo ang isang malaking puno ng camachile na napapaligiran ng magandang landscape at upuan na bato at sa paligid ng parte na ito ng parke ay may net na nagsisilbing pinakaharang sa balkon.
Sa bandang kaliwa ng resort ay mayroong naka enclosed o nakaliskob na parang fishpen sa palaisdaan na kung saan makikita mo ang mga dolphin at whales.
Maliit lang ang pinaka haba ng beach ay maliit lang pero malinis at mukha talagang ginastusan ang pagpapaganda dito. Meron din silang mga ginawang silungan sa beach mismo, dito rin naka-istambay ang mga Life Guard (opo may lifeguard).
Ang mga cabana’s ay gawa sa kawayan at pawid na naka-barnis.
May mga kasabay kaming mga turista na nanggagaling sa Ocean Adventure hindi ko alam kung kasama sa package nila ang paggamit din ng beach. Noon kasing nagpunta kami sa Ocean Adventure dati ay wala pa o hindi pa nila nadevelop ang Adventure Beach.
Mayroong din souvenir shops at mga damit na pang ligo na binebenta sa resort kaya kung nakalimutan mongmagdala ng panligo ay wala kang problema. Wala ringĀ swimsuit requirements sa lugar kaya kahit na naka-abaya o saya ka ay pwede maligo hindi ko alng alam kung pagtagal ay i-require na nila.
Meron ding kayak na pwedeng arkilahin sa halagang P400 sa loob ng isang oras, pwede ring P200.00 naman sa kalahating oras.
Mahirap din palang mag-kayak, lalo na kung first time mo. Meron kasing mga bata na sumubok hindi nila makontrol yung direksyon ng kayak, ayun napunta sila sa Ocean Adventure na hinabol tuloy ng Life Guard na ang bilis lumangoy.
Maganda ang mga pasilidad ng resort mula sa shower room at sa toilet, Aircon ang restroom at kumpleto sa tissue at sabon panghugas.
Kahit na hindi ka marunong lumangoy at lagi lang sa pampang ay ma-enjoy mo pa rin ang lugar, sa linaw ng tubig ay siguradong hindi ka makakapagpigil maglunoy at damhin ang ginhawang dulot nito.
Kung hindi ka pa nakakpunta ng Ocean Adventure ay pwede ka magkaroon ng sneak preview pagpunta mo dito sa Beach tanaw kasi ang mga acrobatic moves na pinangangaya ng mga dolpihns at whales sa mga bisita nila, para karing kasama sa palabas dahil rinig mo ang paghanga ng mga manonood at pati rin ikaw ay mapapa Oooooohhhh at Ahhhhh, sabay sabi ng galing!!!
Natapos ang pagbibilad namin sa araw ng mga alas – 5 ng hapon, tama lang din sa isang group picture.

Group picture muna
Mabuti na lang at nakakuha kahit na isang litrato, naubusan na kasi ako ng baterya.
Sige hanggang dito na lang, sa suusnod na paglaboy ulit.

















pwede!!!
pwedeng gawing post card yung mga pics….
ang ganda pala ng subic
sana makaagbakasyon ako dyan
isa na namang makabuluhang laboy ni boyboy! ang husay ng mga kuha at galing ng pagkakadokumento. sana mapuntahan ko rin yang lugar na yan balang araw…
Salamat po sa pagbisita.
Madali lang pong mapuntahan itong lugar na ito. Nakaugalian na lang po kasi na magkaroon ng panahon magkasama-sama ang aming pamilya.
Ang ganda ng mga kuha mong larawan.
Madalas kami sa Subic nitong nakaraang tag-init at karaniwang sa Camayan Beach Resort ang hantungan namin. Nitong nakaraang Mayo nagsiyasat kami sa Barreto Beach Resort ngunit hindi namin nagustuhan dahil marumi at magulo.
Iminumungkahi ko na subukan namin sa Adventure Beach na lagi naming nadadaanan ang karatula tuwing pumupunta kami ng Camayan Beach Resort. Sa kasamaang palad, wala ng bakanteng Cottage or Cabana ng kami ay dumating. Nasilip ko ang loob at mukha ngang maganda ang resort na ito. Balak namin bumalik ng Subic ngayong darating na Oktubre para sa aking kaarawan. Mayroon po ba kayong contact details ng nasabing resort at kung maari akong makahingi nito? Maraming salamat.
Hi issa, salamat sa pagdaan sa aking bahay blog. Marami nga na tao lagi sa mga beach sa Barreto lalo na kapag summer, yun kasi ang mga murang beach sa parte na iyan ng subic.
Hindi ko rin nga alam itong Adventure Beach dati, lagi rin kasi kami sa Camayan, nagkataon lang na nagkaubusan na rin ng mappuwestuhan sa nauna. Sa pagkakaalam ko hawak rin ng Ocean adventure yang adventure Beach, kasi noong nandoon kami maraming mga tao na galing sa water park ang tumawid. Check mo na lang iyong website nila.
http://www.oceanadventure.com.ph/
ito pala number (047) 2529000
Happy Birthday na rin sa iyo.
Pwede mo rin subukan iyong Dungaree Beach sa likod siya ng airport naka-pwesto. ‘Di ko pa nalagay yung entry ko doon.