Ito ang isa sa naging lakad namin noong, nagbakasyon ako. Aksidente lang ang nangyari, kasi magwi-withdraw ako ng pera sa Balanga (Capitol ng Bataan) kasi sahod na. Wala kasing ChinaBank sa amin sa San Fernando, Pampanga lang at sa Balanga. Habang papunta kami ng bangko, natanaw ko yung Mt. Samat sabi ko matagal na rin ako hindi nakaakyat ng Samat ah, punta tayo pagtapos magwithdraw (sabay ngisi at tapon ng tingin tulad ng isang maamong pusa sa aking kabiyak, hehe).
Kaya pagkakuha ng aking limpak-limapk na salapi (sana) ay nagtake-out kami ng pagkain sa Chowking at pag-akyat na lang ng Samat namin tirahin.
Parang ayaw ng aking baby kasi hindi siya sanay magbiyahe, mahiluhin at sukahin tulad ko noong bata pa ako. Pero dahil nga sa sabik din ako makita kung ano na ang bago doon, saka may sasakyan naman nga kami, di tulad noong unang akyat ko na wala, hehe. At kailangan akyatin talaga gamit lang ang aking hita power hehe.

Ang Bundok Samat, makikita sa itaas ang Dambana ng Kagitingan
Nag-aalangan pa nga ako noong una kung tama ba ang daan na tinutunton ko, buti na lang at may nakita akong signage na 2KM nalang daw kami sa Mt. Samat junction. Pagpasok namin sa junction mapapnsin mo agad ang paahon na daan paakyat ng bundok. Mayroong mangilan-ngilan na bahay kang makkikita at habang papataas ay nagiging madalang na lang ang mga ito. Isa sa pinagkakakitaan ng mga tao rito ay ang paggagawa ng mga barbecue stick, na makikita mong nakabilad sa daan, akala ko noong una mga dilis ang mga ito pero ng hindi ko maamoy ang lansa ay napagtanto ko na parang kahoy na nakaputol ng maliliit at nakasalansan ng maayos sa daan.
Halos inabot din ng 15 minutos ang akyat namin, hindi ko kasi gaanong ibinirit ang sasakyan bilang pagalalay na rin sa aking prinsesa na mahiluhin. Pagdating sa gate, sinalubong kami ng gwardiyang nagbabantay. Kasabay nito napansin ko rin ang karatula ng bayad sa entrance sa pagpasok sa DK (dambana ng Kagitingan).
P20.00 ang entrance ng matatanda, libre lang ang mga bata.
P20.00 ang maliliit na sasakyan, P30.00 naman sa malalaki.

Pasukan patungo sa DK
Pagtapos magbayad ay dumerecho agad kami doon sa may nakatayong gusali kung saan itoy may ilang baitang ding akyatin patungo sa gusaling puti na nagkukubli sa parang isang altar ng simbahan, at sa magkabilang gilid nito ay makikita ang mga nakalimbag na istorya ng “Battle of Bataan”.

Hindi ko na nagawa pang basahin ang istorya nito dahil sa gutom na ang aking mga kasama at naghahanap na nang pwesto na makakainan. Kaso minalas yata wlang makita, napatingin ako sa mga pasikot-sikot na hagdanan patungo sa pinaka-taas ng parke, sabi ko duon n alang tayo may pwesto dun sigurado. Napasimangot ang kabiyak ko ( kahit sino naman siguro sisimangot, mahigit yata 100 baitang yun).

Hagdanan paakyat ng DK
Habang paakyat nagkaroon naman kami ng time na magpiktyur-piktyur ng baby ko natutuwa ako kasi game siya, masyado kasing mailap sa kamera itong prinsesa ko kaya sinamantala ko ang pagpose-pose nya.

Hindi rin sya nakatagal sa pag-akyat nagpakarga rin, pagod na raw siya. Pagdating sa taas hanap agad kami ng pwesto, napili namin e sa lilim ng isa sa mga puno.

Kasabay din pala namin sa pagbisita sa DK ay mga veterans na galing pang Laguna yung iba naman ay sa Bisaya pa. Ganun din pala kasikat ang DK at sinasadya talaga ng taga-ibang lugar. At meron ding mga foreigner na naligaw ng araw na iyon.Sinimulan ko na rin ang pagkukuha ng mga litrato para masulit ang pagpunta namin sa lugar na iyon at madokumentaryo ito ng maigi.

Ang Dambana ng Kagitingan na ipinatayo noon ni Pres. Marcos noong taong 1966

Hindi ko pa natyempuhan na gumagana ang elevator o kaya bukas ang krus para makaakyat sana sa pnakataas nito
Tanaw ang buong Bataan mula sa Bundok Samat pati na rin ang Manila Bay.

Kita ang Manila Bay mula sa larawan na ito

View ng entrada sa DK

Gusali na nagpapaloob ng istorya ng Digmaan sa Bataan, makikita rin sa paligid nito ang iba't ibang nililok na pigura ng mga labanang nangyari noong WWII

Makikita ang stage kung saan ginaganap ang seremonya sa paggunita ng Araw ng Kagitingin tuwing ika-9 ng Abril

Isa sa mga natatanging orbo na makikita sa bukana paakyat ng parke, kung saan maraming nakaukit na simbolo ng mga sinaunang kagamitan ng ating mga ninuno

Makikita ang bundok ng Mariveles na nagdodomina sa buong peninsula ng Bataan

Isa sa magandang landscape ng mga halaman sa bungad ng DK

View sa taas ng parke

Mga bato na may nakasulat na pangalan ng mga bumisita

Ang makikitang view ng hardin malapit sa parkehan ng sasakyan

Nasunog na puno dahil sa kidlat
Nang mapadpad ako sa bandang dulo ng parke, napansin ko na may nakaparadang mga sasakyan, nagulat ako kung paano nakarating ang mga ito sa taas, iyon pala may daan sa likod nito na hinid ko alam. Sa pagkakataon na ito nasabi ko nalang sa aking kasama na iaakyat ko ang sasakyan para hindi na mahirapan sa pagbaba.
Inabot din kami ng 3 oras sa pagikot sa buong parke tuwang tuwa ang aking anak dahil malaya siyang nakakatakbo palibot sa buong hardin.

Siyempre dapat kasama din ako sa piktyur

Kaya rin ng mga scooter na umakyat sa Bundok Samat

Nakakapgod at Nakakuhaw din pala ang habulin ang aking prinsesa sa pagtakbo-takbo
Bumaba kami ng Bundok Samat ng 4:30 n.h. Dahil maaga pa naisipan ko tuloy na tahakin ang Bagac-Morong-Subic na daan pauwi sa amin, tutal tulog naman ang aking prinsesa.
Nagulat ako sa ganda ng daan sa lugar na ito, ito ang kauna-unahang pagkakataong makakapagdrive ako sa lugar na ito. Malinis at kaaya-aya talaga ang daanan, halos buong biyahe namin ay napapaligiran ng tanim na puno sa magkabilang gilid ng daan. Hindi ko tuloy mapigilan ang ang king sarili na kuhanan ang ganda ng mga tanawin sa lugar na nadaanan namin.
Napakaraming mga twisties na nadaanan,nawala na ko sa bilang ng dami ng kurbada mula Bagac hanggang Subic, kahit na ako na sanay sa byahe e medyo nahilo rin ng kaunti. Mapapansin din ang mga advertisement ng mga resort na nakalagay sa gilid ng daan na aakalain mo na malapit ka na sa lugar na ito ngunit ang katotohanan ay malayo pa pala hehe.
Pagdating namin ng Morong, hindi gaanong pansin ang maliit na kantong lulusutan papasok ng Subic, akyatin din ang daan sa lugar na ito. Hindi rin makikita mula sa daan ang mga hanay ng Beach ng Morong na isa rin sa pinagyayabang ng Bataan, sabagay kung iisipin talaga, nabiyayaan talaga ang Morong sa likas na yaman. Halos kalahati ng kagubatan ng Subic ay parte ng Bataan.

Bundok ng Mariveles, kuha sa Bagac Bataan

Philippine-Japan Friendship Tower sa Bagac

Tanawin sa Morong, Bataan

Nadaan din kami sa Anvaya Cove, pag-aari ng Ayala

Nawala sa isip ko na dadaaan din pala kami sa Bataan Nuclear Power Plant, napansin ko lang ang mga nag-aabang na mga trabahador ng sasakyang pauwi

Daan paakyat ng SBMA

Naabutan pa namain ang pagtakipsilim sa SBMA

Kuha sa dati kong pinagtatrabahuan na imbakan ng langis

Ipinasiya naming magpahinga muna sandali sa tabing dagat bago tuluyang umuwi

Habang ninanamnam ang pagiging romantikong lugar ng tabing dagat mayroong nangharana sa amin na tinugtog ang kanta ni Ariel Rivera na "Minsan lang kitang iibigin"
Isa ito sa sulit na lakad na nagawa ko, hindi gaaanong magastos, P1,500.00 lang at marami pa akong napuntahang lugar kasama ang aking mahal sa buhay.
Higit sa lahat ay may istoryang ibabahagi sa inyo.



wow ang gaganda ng mga kuha,
sana makapagbakasyon din ako para
bawas stress. Para na rin akong nagbakasyon sa mg pics… More!!
Salamat po.
20.00php. wow, buti hindi tumataga sa presyo ang ganyan ka-atraksyon na lugar.
Mukhang ang sarap pumunta diyan, walang tao. Masarap mag-sight-seeing ng walang tao, solong-solo ang lugar. Sa mga larawang inihatid mo kitang-kita ang ganda talaga ng atraksyon, masarap kumuha ng mga litrato n’yan.
Salamat po sa blog mong ito at ngayon napag-isip-isip ko na mag-plano ng isang trip para sa barkada.
Ok talaga dito sa Mt. Samat kung gusto mong umakyat ng bundok na hindi nagha-hike dito ka na. Pagkatapos ninyo dito pwede rin kayo dumerecho sa mga beaches sa Bagac at Morong, pwede nyo rin isama yung pagbisita sa Pawikan Conservation Center, sayang nga lang kinapos na kami sa oras kaya hindi kami nakadaan.
[...] Frieze ng Dambana ng Kagitingan Sa paghahanap ko ng mga magiging inspirasyon ko sa photography kahapon napadako ako sa isang site na nai-feature ang salitang frieze. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito kaya hinanap ko na lang agad sa wiki. Ito pala yung mga nakaukit sa mga dingding na minsan gamit ang semento o kaya kahoy. Naisip ko tuloy ang mga frieze sa DK sa Mt. Samat. Kaya share ko na lang muna sa inyo para kumpleto na rin ang libot ninyo mula sa una kong post tungkol sa Mt. Samat. [...]
maraming salamat po sa blog na ito.. nakakatuwang makita ang magagandang photos.. parang narating ko na rin ang DK, Mt. Samat..salamat kaibigan sa pagbahagi mo nito… mabuhay ka!
Salamat din sa pagbisita, balik ka ulit
Teka ngayon ko lang nasilip itong post mo na ito. Pang postcard ang mga shots mo dito. Mukhang kailangan ko nang pag-aralan ang Nikon D40 DSLR ng anak ko.
Naka-akyat na rin ako sa Krus na iyan at mukhang nadaanan ko na ang ruta na iyan. Subic – Bagac -Nuclear Plant – Mt Samat.
Salamat, nag-take advantage ako sa ganda ng panahon. Ang importante naman e malaman kung anong mga function ng mga camera para mamaximize yung gamit nito.
Road trip lang naming mag-anak.